Letter to Mother from Hurting Grown-up Child

143 Flares Facebook 47 Twitter 39 Pin It Share 0 Google+ 56 StumbleUpon 1 143 Flares ×
Original Photo by: VIRGINIAMOL

Original Photo by: VIRGINIAMOL

Letter to Mother from Hurting Grown-up Child is a letter submission written in Filipino by a grown-up child who continues to carry the hurts of a mother-daughter relationship gone terribly wrong.

Nay,

Isa akong career woman na may maayos na estado sa lipunan at marangal na pamumuhay. Maraming kaibigan, masasabi kong kontento na ako at maligaya, wala na akong mahihiling pa. Ngunit isang bagay ang wala ako, ang mabuting relasyon sa iyo, aking Ina. Tuwing makakakita ako ng mga posts sa facebook, twitter, picture about mom & daughter sa mga blogsites, hindi ko sineshare o nila-like. Hindi ako ipokrita pero wala naman talaga akong affection nararamdaman sa iyo. Nag-umpisa ito nung kabataan ko, nang unti unti kong makilala ang mundo at natutunang tumayo sa sarili kong paa sa murang edad. Nagsumikap ako sa ganang sarili dahil ayoko maging tulad ng mga patapon ang buhay at basura sa pamayanan dahil sa napabayaan ng kanilang mga magulang. Alam ko mahal kita, wala namang tutol don, ngunit yung paggalang at affection nahihirapan akong maramdaman.

Wala akong matandaan kahit isang pagkakataon na pinakitunguhan mo ako ng may lambing, nakipag-usap ng may compassion o pang-unawa, o tinanong kung anung nararamdaman ko.  Lagi mo akong nakikitang malakas na para bang walang problema, laging inaasahang maging perpekto sa lahat ng bagay, laging pinapansin at sinisinghalan kapag di ako nakapagbibigay ng pera.  Puro mali lang ang nakikita mo sa akin pero di mo napapansin ang mga nagagawa ko para sa pamilya at sa mga kapatid ko.

Kapag nagtatalo ang mga anak paano mo ba sila pagkakasunduin? O lalo mo ba silang  pag-aawayin dahil umpisa palang may kinikilingan ka na? Tama bang sabihing walang karapatang mangatwiran ang anak dahil siyaý anak lamang? Ano kaya ang itinuturo nito at anung maaring maramdaman ng anak sa kabilang banda? Naintindihan mo ba kung ano naramdaman ko?

Hindi ko alam kung galit ka sa akin o ayaw mo akong maging anak. Ang ating usapan ay nauuwi lamang palagi sa pagtatalo, walang mabuting komunikasyon at iyak habang tinatanggap ko ang mga di makaing mga salitang nagmumula sa iyo. Hindi mo alam ang salitang empatiya. Ang iyong galit ay hindi nangingiming sirain ang pagkatao ko. Sadya bang kailangan na akoý maliitin at husgahan?

Ano na lamang ba ako sa iyo – gatasan? Hinayaan mo akong matutong mag-isa dahil sa pag-arugang ipinagkait mo sa akin. Tapos ngayon ay obligado akong tustusan ang pangangailangan mo. Hindi maiwasang magrebelde ng kalooban ko dahil sa kabila ng lahat, sa akin pa rin naatang ang responsibilidad dahil ako ang panganay.

Sabi nila ang panganay, kaakibat ay pagtitiis at pagbibigay, natutunan ko yun. Naiinggit ako sa mga kaibigan kong napakasweet at cool ng Mom nila, magandang makipagusap hindi mapanghusga, hindi opinionated, yung mga anak na best friend nila nanay nila, takbuhan sa panahon ng problema, hingahan at may maasahang mabuti at matuwid na payo sa pagharap sa buhay, yung ina na totoong concerned sa welfare ng anak nila, hindi lang ang yumaman ang anak nila at maging tanyag. Siguro kung naging katulad ka lamang nila, mas magaan ang pagtulong sa iyo.

Naniniwala ako, na sa ating mga ina magmumula kung magiging delingkwente o mabuting tao ang ating mga anak. Hindi sila dapat tinataboy upang di sila mapariwara at hindi masira ang loob. Ayokong lumayo ang kalooban ng mga anak ko sa akin katulad ng nangyari sa ating dalawa.

Wala man akong mabuting relasyon sa iyo Nay, magagawa kong maging mabuting ina sa anak ko. Itataguyod ko ang mabuting samahan sa aking sariling pamilya. Hindi ko pababayaan ang kanilang espiritual at emosyonal na pangangailangan. Ipararamdam ko sa aking mga anak na meron silang masasandalan kung kinakailangan. Patawad Nay. Ayokong maging katulad mo. Ayokong maglagay ng binhi ng galit sa puso nila dahil alam ko kung gaano kabigat magdala nito habambuhay.

Lubos na nagdaramdam,

Suntori

About the Guest Letter Writer

Our guest letter writer who goes by the pen name Suntori chooses to remain anonymous.

Summarized Translation:

This letter speaks of the feelings of a grown-up child to her mother who she believes has not given her the motherly love and care she deserves as expected in a mother-daughter relationship. The letter writer enumerates the many reasons why she finds it impossible to feel any affection for her mother. She finishes off with a promise not be like her mother in dealing with her own children.

Mothers, take care not to sow seeds of hatred in your children’s hearts. They may just grow bigger than what you or your child can handle.

The following two tabs change content below.

Teresa Martinez

A freelance researcher-writer who has continuously been in such field for more than 10 years. Previous to that, her work experiences are in the banking, advertising, and cooperative industries. More of her work in Google+

Latest posts by Teresa Martinez (see all)

Leave a Reply