Mensahe ng Pasasalamat mula sa Letter Writer

133 Flares Facebook 69 Twitter 34 Pin It Share 0 Google+ 27 StumbleUpon 3 133 Flares ×

salamat

Ang Mensahe ng Pasasalamat na ito ay para sa mga masugid naming mambabasa at sa mga bumoto sa A Letter Writer sa “Emerging Influential Blogs 2013”.

 

September 21, 2013

Sa Mga Fans ng “A Letter Writer”,

Papunta ako ngayon sa SMX Convention Center sa MOA upang dumalo sa Digital Influencers Marketing Summit. Napakahalaga ng araw na ito para sa akin at sa blog na ito. Maliban sa pagkakataong makasama ang ilan sa mga idolo sa industriya, ngayon din kikilalanin ang mga nanalo para sa “Top 10 Emerging Influential Blogs of 2013”. Ikinagagalak kong ibalita sa inyo na ang “A Letter Writer” ay pasok sa listahang ito.

Noong sinimulan ko ang blog na ito, akala ko pamilya at mga kaibigan ko lang ang magtitiyagang magbabasa nito. Kaya talaga namang ikinagulat ko ang napakaganda at mainit na pagtanggap ninyo. Bawat sulat na ihain ko ay inyong tinangkilik. Gaya na lang ng Letter of Thanks to an Ex at yung Break-up Letter to a Boyfriend, #relate ‘te? Sumikat din ang Letter of Bride to Groom na nagpapatunay lamang na marami mang sawi, marami pa rin namang hindi sumusuko sa pag-ibig.

Likas sa atin ang pagiging emosyonal. Nais ko lamang ipaalala na hindi layunin ng blog na ito na palalimin ang sugat ng mga masasakit na alaala. Ang mga liham dito ay nagnanais magsilbing inspirasyon at makatulong intindihin ang mga pinagdadaanan ng bawat tao. Kaya kung natawa, naantig, naiyak o di kaya’y nainis ka… ok lang yan. Share mo na lang! 🙂

Ang mensahe ng pasasalamat na ito ay galing din sa aking alter-ego na si “Teresay”, na malamang ay nagtataas na ng kilay sa Taglish ko. Sabi ko nga sa kanya “Kalma lang! Minsan nakaka-nose bleed din ang mga topic mo.” Kaya lang sabi niya sa akin, “To each his own”. Oo nga naman, kanya-kanyang trip lang yan. O sige Teresay, #ikawna sa advocacy & education at ako naman sa creative writing. Ramdam ko naman na pilit mong nilalabanan mag submit ng sarili mong letter <Warning Letter to my Alter-Ego> Aminin!

Muli, maraming salamat sa mga tumatangkilik ng blog na ito. Makakaasa kayo sa marami pang mala-MMK na istorya at pang-Pinterest na quotes. Ika nga ni Teresay sa kanyang pamosong My Say: Thank you for making me feel that I have done something right in my blog.

Lovingly yours,
Letter Writer

 

Summarized Translation:

This is a message of thanks from the Letter Writer to the regular readers of the blog as well as those who voted for it in the recently concluded Emerging Influential Blogs 2013 Writing Project. It speaks of the writer’s amazement in the warmth of reception received by each and every published letter, specifically for letters written by people with broken hearts. At the same time, the popularity of letters that speak of love is likewise noted.

This blog does not seek to deepen the pain experienced in life but rather wishes to use each and every human experience as a learning point for others. It therefore encourages everyone to share their own personal experiences through letters. The author’s alter ego Teresay also wishes to express her gratitude for being voted as well in the same writing project. Each promises to focus on their own specific niche as they both continue to write.

 

The following two tabs change content below.

Teresa Martinez

A freelance researcher-writer who has continuously been in such field for more than 10 years. Previous to that, her work experiences are in the banking, advertising, and cooperative industries. More of her work in Google+

Latest posts by Teresa Martinez (see all)

One Response to “Mensahe ng Pasasalamat mula sa Letter Writer”

Leave a Reply