Nasaan Ka Pangulo ng Pilipinas?

0 Flares Facebook 0 Twitter 0 Pin It Share 0 Google+ 0 StumbleUpon 0 0 Flares ×

 

Original Photo by: nibujohn

Original Photo by: nibujohn

Nasaan Ka Pangulo ng Pilipinas? is a letter addressed to Filipinos truly worthy of leading the country but have yet to make their existence known to Filipino voters.

Para sa taong tunay na nararapat mamuno sa Pilipinas,

Nasaan ka Pangulo ng Pilipinas?

Hindi ka pa nagpaparamdam. Nag-umpisa na ang takdang panahon para maghain ng kandidatura pero ni anino mo ay hindi ko pa naaaninag. Sa dinami-dami nating Pilipino, hindi ako makapaniwala na walang kahit isang taong may karapatan at kakayanan ang magproproklama ng kanyang malinis na intensyon para sa bayan.

Nandito na sila. Silang matatagal nang nakaupo sa kapangyarihan. Silang mga dating pinatalsik at kamag-anak ng pinatalsik. Silang mga paulit-ulit na nangangako ng kaginhawan para sa bayan. Silang mga nagbubuga ng putik at lason sa isip at puso ng mga botante sa kahit paanong paraan upang makuha ang matamis na boto at pagkatapos ay kalimutan.

Nandito na rin sila. Sila na walang maialok na tunay na plataporma. Sila na umaasang ang koneksyon sa isang kilalang pangalan ay sapat na. Sila na pumapasok sa mga questionableng alyansa na nagdudulot ng agam-agam sa puso ng isang nag-iisip na botante.

Higit sa lahat, nandito na rin ang mga tinaguriang panggulo o nuisance candidates. Hindi ko alam kung ako ay matatawa o maiiyak sa kanila dahil hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang pagproklama ng intensyon sa pagkapangulo. Maliban sa mga gusto lamang ng “15 minutes of fame” , marahil ito na ang reaksyon ng iba sa lubos na pagkasuya sa sitwasyon ng ating bansa ngayon lalo na sa larangan ng politika. Hindi ako magtataka na may halong pag-uyam at pangungutya sa kanilang motibo dahil sa mala-circus na tono ng ating eleksyon.

Nakarating na ang isang Intergalactic Earth Ambassador, pati na si Archangel Lucifer ngunit bakit wala ka pa? Ano ang pumipigil sa yo?

Marahil natatakot ka na mawalang saysay ang iyong pagsisikap dahil alam mong maraming boto ang nabibili. Marahil nagdadalawang-isip ka dahil maaring masira ang katahimikan ng iyong personal na buhay kapag sumabak ka sa labanan. Marahil iniisip mo na ang botanteng Pilipino ay hindi pa handa na suportahan ang isang matinong kandidatong tulad mo. Inaamin ko na ang lahat na marahil na ito ay may batayan base sa mga kinalabasan ng huling mga eleskyon.

Di ba sabi nga, we get what we deserve.

Ngunit parang awa mo na, magpakita ka sa amin. Paano natin malalaman kung hindi susubukan? Bigyan mo kami ng pagpipilian. Bigyan mo kami ng pag-asa. Bigyan mo kami ng pagkakataong bumoto ng may dignidad.

Umaasa,

Botanteng Pilipino

 

The following two tabs change content below.

Teresa Martinez

A freelance researcher-writer who has continuously been in such field for more than 10 years. Previous to that, her work experiences are in the banking, advertising, and cooperative industries. More of her work in Google+

Latest posts by Teresa Martinez (see all)

Leave a Reply